Pokwang payag ampunin si Miss Myanmar

INALOK ni Kapamilya actress/comedienne Pokwang ang bahay niya kay Miss Myanmar na aarestuhin umano kapag umuwi ito sa kanyang bansa.


“Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar,” tweet ni Pokwang.


“Halika muna sa aking bahay, papakainin kita ng roasted chicken at laing ni Mamang,” dagdag niya.


Kumalat ang mga ulat na may warrant of arrest si Thuzar Wint Lwin dahil sa pagsali nito sa Miss Universe nang walang pahintulot ng mga otoridad ng Myanmar.


Matatandaang nag-disguise lamang umano ito para makalabas ng bansa at makasali sa pageant na ginanap sa Florida, USA.


Lalo pa umanong nagalit ang mga opisyal ng Myanmar nang magbitbit ng placard na may nakasulat na “Pray for Myanmar” si Lwin sa national costume presentation ng nasabing timpalak.