Piolo bet maging stripper

WALA pang balak magretiro sa showbiz ang aktor na si Piolo Pascual dahil marami pa siyang role na gustong gampanan.

Sa isang panayam, inamin ni Piolo na nakaramdam siya na tila nalaos siya noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Aniya, desidido na siyang iwan ang showbiz , pero nagbago siya ng desisyon nang magdatingan ang mga alok mula sa iba’t ibang platforms, gaya ng teatro.

Kaya naman, na-realize ng 47-year-old actor na uso pa rin siya. Dagdag pa rito na marami pa rin pa siyang roles na hindi nagagampanan.

Isa na rito, biro niya, ang papel ng isang stripper o macho dancer.

Bago ito, sinabi ni Piolo na gusto niyang gampanan ang dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa isang biopic. 

“I expressed my intention to do a Marcos biopic. Ferdinand Marcos, I mean the former president. Kasi I grew up (in that era), I was born in the 70’s, he was still the president back then up to the 80’s. I grew up, my mom was working in Malacanang, so he was a prominent figure in my childhood,” paliwanag niya.

“That’s something interesting that I’d like to probably do,” dagdag niya. “In the right time, not right now. Definitely, not right now.”