P286K bag inawra ni Chloe San Jose: dami bang nainggit?

PASABOG ang OOTD ng girlfriend ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo nang dumalo sa pa-event ng isang skincare brand kamakailan.

Suot ni Chloe San Jose ang isang pink sleeveless bodycon mini dress at black platform pumps. Ang bitbit niyang bag: Dior Lady D-Joy!

Ayon sa blog na bragmybag, ang brandnew Dior Lady D-Joy in medium ay nagkakahalaga ng $5,100 o P286,400.

Dalawa sa mga naka-chikang celebrities ni Chloe sa event sina Karel Marquez at Francine Diaz, ang brand ambassador ng nasabing skincare line.