NAGPAPAGALING na si Oyo Sotto makaraang sumailalim sa operasyon makaraang maaksidente sa bisikleta noong nakaraang linggo.
Sa Instagram, ibinahagi ni Oyo na sumailalim siya sa arthroscopic joint reconstruction surgery.
“God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this,” caption niya sa mga larawan niya sa ospital.
“Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga.To my doctors, maraming salamat sa inyo,” dagdag niya.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na mag-ingat sa lahat ng pagkakataon.
“Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times,” sey pa ng mister ng aktres nacsi Kristine Hermosa.