One Direction member Liam Payne patay sa edad na 31

PUMANAW ang boyband One Direction member na si Liam Payne matapos itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Buenos Aires sa Argentina nitong Miyerkules. Siya ay 31.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa isang hotel sa Costa Rica street sa Palermo.

Nakilala si Liam bilang isa sa mga miyembro ng sikat na Birtish band na One Direction na binuo noong 2010 matapos silang sumali sa “X Factor”.

Kasama sa One Direction sina Harry Styles, Zayn Malik, Louis Tomlinson at Niall Horan.

Taong 2015 nang inanunsyo ng grupo na “mamamahinga” muna sila bagamat hindi naman sila magdidisband.

Naglabas ng solo album si Payne noong 2019 na may titulong “LP1”.

May anak si Payne sa dating miyembro ng Girls Aloud na singing group na si Cheryl Cole.