Niño Muhlach: 2 independent contractors ng GMA umamin sa ginawa kay Sandro

UMAMIN ang mga TV executives na sina Richard “Dode” Cruz at Jojo Tawasil Nones sa ginawa nila sa young actor na si Sandro Muhlach, ayon sa ama ng biktima na si Niño Muhlach.

Sa isang panayam, sinabi ni Niño na naganap ang pag-amin nang iharap sa kanya sina Cruz at Nones ng pamunuan ng GMA network.

“Nagharap na kami ng GMA at ni Ms. Annette Gozon tungkol sa residents niya,” ayon sa dating child superstar.

“Nag-sorry sila sa akin in front of Ms. Annette.”

Isiniwat din ni Niño na nag-alok ng pera ang dalawa pero tinanggihan niya ito.

“They were offering a certain amount to charitable institutions na pipiliin namin pero enough na,” giit ng ama ni Sandro.

“Hindi pwedeng hindi na lang pagbabayarin ‘yung ginawa nila kasi pag nakita mo talaga ‘yung anak ko nanginginig, really devastated talaga siya,” dagdag ni Niño.