UMAPELA ang broadkaster at senator-elect na si Raffy Tulfo kay Pangulong Duterte na ideklara bilang “national day of mourning” ang libing ng namayapang aktres na si Susan Roces.
Inirekomenda rin ni Tulfo na ideklara si Roces bilang National Artist.
“We ask President Rodrigo Roa Duterte to declare a national day of mourning on the day of her burial. Rep. Jocelyn Tulfo (asawa ni Tulfo) will file a House Resolution next week extolling Ms. Susan Roces’ legacy and recommending her nomination for posthumous National Artist honors,” aniya sa kalatas.
Nagpaabot din siya ng pakikiramay kay dating Sen. Grace Poe sa pagkamatay ng ina nito.
“Few celebrity icons are as loved as Ms. Susan Roces. Hindi mawawaglit sa alaala naming mga taga-hanga niya ang kanyang ‘di mabilang na mga pelikula, programang pang-telebisyon, at patalastas,” dagdag ng incoming senator.