NAISPATAN ang actress-singer na si Nadine Lustre na sumakay ng tricycle kamakailan sa Siargao.
At game na game rin itong nakipag-selfie sa iba pang mga pasahero.
Ayon kay @kaboodles_05, nagulat siya nang makita na sumakay ng sinasakyan niyang tricycle si Nadine.
Kahit nahihiya, tinanong niya ito kung pwedeng magpakuha ng litrato. Pumayag naman ang aktres.
“Sana lahat ng celebrity kasing approachable niya. Now I understand the fandom. Here’s to President Nadine!” aniya.
Napansin ng netizen na pagod si Nadine, pero nagpaunlak pa rin ito sa kanya.
“Medyo pagod ata sya but she still accommodated the pic. Maganda, mahinhin at approachable,” dagdag niya.
Wala namang kasama si Nadine nang mag-tricycle.