SA kanyang pagbabalik-pelikula matapos ang dalawang taon, inanunsyo ni Nadine Lustre na ayaw na niyang magkaroon ng ka-love team.
“I feel like I’m totally past the love team phase,” giit ni Nadine.
Wala naman siyang problema sa ibang artistang mayroong love team.
“It’s s something a lot of celebrities really go through. It’s not a bad thing, though. A love team is a partnership. If you’re in a love team, you pull each other up. It’s really team work. Feeling ko I’m already past that. When you reached this age, feeling ko wala ng love team,” paliwanag niya.
Wala na ring challenge para sa kanya ang mga love stories at mga rom-coms na type ng pelikula.
“Gusto ko psychopath naman ako in my next project. Something different. Para naman exciting siya kung gagawin ko. Para iba din ang pakiramdam kung iba’t ibang characters ang gagawin mo,” dagdag niya.
Pero bukas naman siya sa kahit anong roles na ibigay sa kanya.
“Sobrang na miss ko ang pag-arte. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag umaarte,” paliwanag ni Nadine.
“Ang na-miss ko talaga sa pag-arte, where you portray a character. I don’t mind doing thriller, action, horror. Scripts that are mind-boggling. Kapag binasa mo talagang mapapa-isip ka,” pahayag pa ng aktres na dating ka-love team ang ex-boyfriend na si James Reid.