Moonstar88 nagpaandar, tutugtog daw nang libre sa kasal nina Caloy, Chloe

INALOK ng 90s band na Moonstar88 ang kanilang sarili na tutugtog nang libre sa kasal ni Olympic gold medalst Carlos Yulo at girlfriend na si Chloe Anjeleigh San Jose.

Sa Facebook, pinuri ng Moonstar88 ang tagumpay ni Caloy sa Paris Olympics 2024.

“[Two] golds! Dahil di ka nahihilo, nalilito sa routine mo,” ayon sa caption ng banda na ang pinatutungkulan ay ang kanilang kantang “Migraine.”

Sa comments section, iginiit ng Moonstar88 na hindi nila pinipilit sina Caloy at Chloe na magpakasal na.

“Uy no pressure Caloy! Kahit umabot pa ng 2088,” anila.