INATASAN ni Pangulong Duterte ang militar na siyang mamahagi ng pera para sa mga biktima ng Bagyong Odette.
“The money will be distributed by the military. Si (Interior Secretary Eduardo) General Año will supervise ‘yung areas na kagaya dito, highly urbanized, ano naman lahat, diretso na sa… Tutal from the military, it would go to the LGUs,” sabi ni Duterte sa kanyang pagbisita sa Cebu.
Ipinanagtanggol din ni Duterte ang kanyang desisyon na pangunahan ng militar ang distribusyon ng pondo.
“Wala akong ano na suspicion about somebody absconding. But the military, as I have always said, may structure kasi… Not because of anything, but that the money is as — this will be given as fast as we can. Hinahabol ko ‘yung Pasko but hindi na, hindi na madala eh,” aniya.
Nauna nang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas na ng inisyal na P1 bilyong para sa mga biktima ng nagdaang kalamidad.