GAGANAP bilang Andres Bonifacio si Manila Mayor Isko Moreno sa isang pelikula ni Erik Matti.
“We’ve decided upon so many considerations…we decided to get Yorme Isko Moreno as our Bonifacio for this movie,” ayon sa direktor.
Dagdag pa ni Matti, saktong-sakto sa role ang alkalde dahil pareho silang galing-Tondo.
“Aside from their physical resemblance, both were theater actors who hailed from Tondo, Manila. And just like Moreno, the hero’s father, Santiago Bonifacio, was a former Manila mayor,” aniya.
Ayon naman kay Susan Meyer, great granddaughter ng bayani, kita niyang maka-Bonifacio ang mayor kaya naman tingin niya ay si Isko talaga ang bagay na gumanap dito.
“Alam kong maka-Bonifacio si Yorme at nadarama din niya ang mga ipinaglaban ni Lolo Andres noon. Sa tingin ko magaling din siya umarte,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Isko, sakto siya para sa role dahil marami siyang pinaghuhugutan mula kay Bonifacio.
“Marami akong mga hugot na hugot din ni Bonifacio, ang pagsisikap, hirap ng buhay at pakikisalamuha sa mga tao, sakto,” aniya.
“I’m grateful to them. It’s going to be challenging dahil mahirap pantayan ang galing ng tulad kay Bonifacio,” dagdag pa ni Moreno.
“It’s a very challenging task. I hope I can live up to the expectation at mabigyan ko ng justice ang pelikula.”