Chuckie choco drink ipina-Tulfo



DUMULOG kamakailan sa programang Raffy Tulfo in Action ang isang lalaki para ireklamo ang umano’y panis na Nestle Chuckie chocolate drink.


Ayon kay James Daniel Correa, binili niya ang chocolate drink para sa kanyang anak at pamangkin.


Kuwento niya, nang inumin ng mga bata ang chocolate drink ay agad itong iniluwa. Sinabi nila na maasim ang lasa nito.
Para masiguro ay tinikman din umano ng ama ni Correa ang chocolate drink at ganoon din ang nalasahan nito.


Nang buksan ang karton, bumungad sa kanila ang tila amag at mga puting bagay na nakalutang sa inumin.


Ayon kay Correa, nakapagtataka

dahil hindi naman expired ang produkto.


Sinabi niya kay Tulfo na nagpaliwanag na ang Nestle Philippines ukol sa nangyari sa inumin.


Aniya, iniimbestigahan na rin ng kumpanya ang insidente.


Wala namang balak si Correa na magsampa ng reklamo. Gusto lamang umano niyang ipabatid sa publiko ang naranasan ng kanyang pamilya. –A. Mae Rodriguez