NAWINDANG si Maxene Magalona makaraang padalahan ng mga beauty at home products ng mga Hollywood stars na sina Jennifer Aniston at Courteney Cox.
Sa Instagram, ibinahagi ni Maxene ang reel ng unboxing ng mga regalo mula sa dalawang stars ng TV series na “Friends.”
Binigyan siya ng shampoo at conditioner mula sa LolaVie ni Jennifer habang scented candle mula sa Homecourt ang ibinigay ni Courteney.
“How do you know you’re aligned? When the Universe sends you magical gifts from your ‘Friends’ Rachel (Jennifer Aniston) and Monica (Courteney Cox),” aniya sa caption.
“God truly blesses the grateful. I am just overflowing with gratitude and joy. Thank you, Universe,” dagdag ni Maxene na isang “Friends” fan.