GANITO ang biro ni Shaira Diaz sa fiance na si EA Guzman na inayusan niya para sa isang promo event.
Habang nilalagyan ng lipstick si EA, napakomento si Shaira ng “Baba ha, napanaginipan ko ‘to.”
Feeling ganda-gandahan naman ang aktor kaya pinagalitan ng girlfriend.
“Huwag kang…ang likot-likot,” sey ng Kapuso actress.
“Pantayin mo naman ‘yung [blush on], diyos ko,” hirit naman ni EA. Matapos mag-twerk, lalo pang nag-inarte ang aktor.
“Hi! My name is Daniela, ang nagpapatibok sa puso ni EA Guzman. Shaira, humanda ka! Aagawin ko si EA sa ‘yo. Ano’ng engaged, ano’ng pinagsasabi mo? Hotdog ka!” hanash niya.