NANGGAGALITI sa galit si Markus Peterson makaraang i-bash ang itsura ng anak nila ni Janella Salvador sa social media.
Chika ni Markus, sanay siya sa “hate” pero hindi siya papayag na i-bash ang anak.
“Let’s be honest. I am no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you. People like these make sick, wala pang isang taon anak ko and y’all making fun of a NEWBORN. Not gonna erase your names, proud nyo eh,” post niya ng mga screenshots ng mga bash sa anak niya.
“For the people in this post, I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to fulfil that hole in your hearts. Maybe one day I can check on you all, since I have your names,” dagdag ni Markus.
Ilan sa mga post ng haters na ini-screen shot ni Marcus ang mga sumusunod: “jusko po panginoong mahabagin bat ganyan ang itsura ng batang yan.”
“HAHAHAAHAHAHAHA FINALLY SOMEONE HAS SAID IT,” reply ng netizen sa naunang komento.
“Mukang cabbage patch kids.” –A.Mae Rodriguez