Maris hindi pa ready magka-baby

MARAMI pang gustong marating sa kanyang career ang aktres na si Maris Racal kaya wala pa sa plano ang magpabuntis sa boyfriend na si Rico Blanco.

Sa “Magandang Buhay,” sinabi ni Maris na trabaho pa ang nasa isip niya dahil hindi pa siya kuntento sa kanyang nararating.

“Magtatrabaho po muna ako. Pero nandoon naman ‘yon. Pero nasa backseat muna. Kailangan ko muna as individual maging satisfied sa work ko or sa narating ko,” paliwanag ng “Can’t Buy Me Love” actress ukol sa pagbuo ng pamilya kasama si Rico.

“Para kung satisfied ako at happy ako at peaceful ako, maituturo ko ‘yon sa offspring ko, kung sinuman siya,” dagdag niya.

Naitanong kay Maris kung gusto na rin niya na magkaroon ng sariling baby makaraang mag-trending ang pag-aalaga niya sa anak ng nakasabay niya sa eroplano pabalik ng Pilipinas noong May. Sey ng aktres, mahilig siyang mag-alaga ng bata dahil siya ang “go-to babysitter” ng kanyang mga pamangkin.