Maja Salvador: Love muna bago career

INAMIN ni singer/actress Maja Salvador na mas pinahahalagahan na niya ngayon ang kanyang buhay pag-ibig kesa sa career.


Kwento ni Maja, na-realize niya na napabayaan niya ang marami sa kanyang mga nakarelasyon dahil masyado siyang naging tutok sa trabaho.


“As in, kasi ‘di ba, grabe ako sa pagpapahalaga ko sa work? So walang makakapigil sa akin if mag-kissing scene ako, love scene, ganyan, kahit ‘di comfortable ‘yung ka-relationship ko. I do it because it’s my work,” chika pa ni Maja.


Pero ngayon ay marami na siyang tinatanggihan na offer, gaya ng teleseryeng “Init Sa Magdamag,” dahil sa boyfriend na si Rambo Nunez.


Sinabi ni Maja na hindi niya tinanggap ang proyekto dahil gusto niyang mag-work ang relationship nila ng businessman.


“Noong nagkabalikan kami ni Rambo, meron akong moment na, ‘Gusto ko mag-work ‘to.’ Baka kaya hindi nagwo-work kasi wala akong pakialam. Kasi sarili ko lang iniintindi ko, parang hindi ko pinapahalagahan ‘yung nararamdaman ng partner ko,” kwento ng aktres.


“So, iyon ‘yung nag-start na kinausap ko ‘yung mga bossing. ‘I want this relationship to work. Sorry po’,” dagdag niya.


Masaya naman si Maja ngayon kasama ang nobyo at kamakailan din ay sinimulan na niya ang pagba-vlog.