Maid’ target patumbahin ‘Hello, Love, Goodbye’ bilang highest-grossing Filipino film

IBINANDERA ng direktor na si Darryl Yap na pangatlo na ang pelikula niyang “Maid in Malacañang” sa listahan ng highest-grossing Filipino movies of all time” makaraan itong kumita ng P650 milyon.

Hawak ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang titulong “highest-grossing Filipino movie of all time” dahil sa kinita nito na P880 milyon sa takilya.

Nasa ikalawang puwesta naman ang “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na kumita ng ₱810 milyon.

Pinoduce ng Star Cinema ng ABS-CBN ang dalawang pelikula.

Ani Yap, hindi kayabangan kundi katuparan ng kanyang mga pangarap ang mga nangyayari sa kanyang buhay.