Maid in Malacañang’ puro kata***taduhan– Joel Lamangan of

PURO kahunyanguhan, puro kata***taduhan.

Ganito inilarawan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan ang ginawa umanong pambababoy sa kasaysayan ni Darry Yap sa pro-Marcos na pelikula nitong “Maid in Malacañang’.”

Sa isang press conference, sinabi ni Lamangan na gagawa siya ng pelikula ukol sa aniya ay katotohanan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Hahanap lang tayo ng producer,” aniya.

Isang aktibista at political prisoner noong Martial Law, sinabi ni Lamangan na saksi siya sa mga paglabag sa karapatang pantao noong 1970s at 1980s

“Nakita ko noong panahon namin kung papaano sinasalamin ang lahat ng katarantaduhang ginagawa ng rehimeng Marcos,” giit niya.

Isa sa mga eksena sa pelikula ni Yap na pinuna ni Lamangan ay ang mga tao na may hawak ng sulo habang sumusugod sa Malacañang noong nakaalis na ang pamilya Marcos.

“Hindi totoo ang sulo. Ano iyon, lamay?” aniya “Puro kahunyanguhan, puro katarantaduhan.”