Lolit Solis kay Alice Guo: Charming, tough cookie, rich

BUMILIB nang husto si Lolit Solis kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo nang humarap ito sa mga senador nitong Lunes.

Sa Instagram, iniisa ni Lolit ang mga qualities ni Guo na hinangaan niya.

“Matapang niyang hinaharap ang mga problema niya ha. Bongga ha. Very charming siya at dahil sa Pogo connect niya meaning dami niya datung at her age na bata pa kung iisipin mo,” sey ng talent manager at showbiz writer.

“Hanga ako sa tatag niya sa pagsagot at tapang na harapin ang mga senators. At hindi siya nagpakita na takot o intimidated siya. Bongga talaga,” dugtong niya.

“Kahit siguro ikaw napansin iyon pagiging tough cookie ni Alice Guo. Talagang hindi siya na intimidate ng mga Senators, plus talagang wah siya care pag ayaw niya sagutin ang tanong,” hirit pa ni Lolit.