SA kabila ng serye ng mga puna at pamimintas niya sa kanyang mga kolum sa diyaryo at post sa social media laban kay Bea Alonzo, sinabi ng beteranang show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis na siya ang biktima ng pang-aapi at pambu-bully mula sa kampo ng aktres.
Sa Instagram post, sinabi ni Lolit na siya ay matanda na at may sakit pa kaya nagtataka siya kung bakit inaapi pa siya.
“Nako, ewan ko ba bakit nila ako binu-bully, may sakit na nga ako at matanda na, inaapi pa rin nila,” aniya.
“Hindi ako bully noh, ako nga binu-bully nila, hah hah. Hay nako, takot ako, galit Shirley Kuan sa akin,” dagdag niya na ang pinatutungkulan ay ang manager ni Bea na kailan lang ay “sumabog” na para ipagtanggol ang aktres sa mga banat ni Lolit mula pa noong 2021.
Pasalamat naman niya at mayroon pa siyang mga kaibigan na sumusuporta sa kanya.
“Kaloka talaga na hanggang ngayon, nagugulo parin sila sa akin. Bakit ganito…lagi na lang akong api at binu-bully, mabait naman ako at masunurin, duwag at takot, lagi na lang akong inaapi, huh huh,” sey niya.