Lito hindi raw jowa si Lorna: ‘Love team lang’

KLINARO ni Sen. Lito Lapid na hanggang “FPJ’s: Batang Quiapo” lang at hindi sa totoong buhay ang tambalan nila ni Lorna Tolentino.

Nagpapasalamat naman si Lito sa publiko na tumatangkilik sa love team nila ni Lorna.

“May love team pa pala ang mga senior citizen,” chika ng senador.

“Wala na kasing Kathniel, puro break break na sila. Kaya ang atin na ang kinagat.”

Ayon kay Lito, walang namamagitan sa kanila ng veteran actress.

“Akala ko ako lang ang Marites. Marites din pala kayo dyan,” sabi niya.

“Hindi po. Primanda lang po,” ani Lapid na pinatutungkulan ang tambalan nila ni Lorna sa “FPJ’s: Batang Quiapo.”

“Salamat po sa sumusunod at sumusuporta sa team namin ni Lorna Tolentino,” dugtong ng mambabatas.