Kylie Padilla ‘very happy’ sa love life

ISINAPUBLIKO ng aktres na si Kylie Padilla na masayang-masaya siya sa kanyang buhay.

Sa isang interview, sinabi ni Kylie na kuntento siya sa kanyang career, family at love life. “I’m very happy na. Very grateful,” sey niya.

“Masaya naman ako. Masayang masaya.”

Hindi naman pinangalan ni Kylie ang ipinalit niya sa estranged husband na si Aljur Abrenica.

Noong Abril, kumalat sa social media ang larawan nila ng rumored BF habang nasa mall.

Inamin naman ni Kylie na ang kasama niyang guy ang “nagpapasaya sa puso ko.”

Ikinasal sina Kyle at Aljur noong 2018 at naghiwalay noong 2021. Mayroon silang dalawang anak.