BUNSOD ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa mga pagamutan sa Los Angeles ay ipinagpaliban muna ni Kris Aquino ang pagpapa-confine, ayon kay Batangas Vice Gov. Mark Leviste.
Dahil sa bahay muna mananatili si Kris ay nagdesisyon si Leviste na bumalik ng Pilipinas.
“She’s still coping with the treatments. She postponed her confinement at UCLA hospital,” aniya.
“While I was still there, nagkaroon ng COVID alert sa mga medical facilities that’s why I decided to go home first. But anytime that she needs me to be in Los Angeles, of course I’ll give it my utmost priority,” dagdag ng opisyal.
Babalik umano siya sa Los Angeles matapos ang Holy Week. “Nagsasalitan din kami ng mga sisters niya, ng ibang kaibigan, para hindi sabay-sabay rin. That way, we are assured that madam is in good company other than the company of Bimb,” sabi ni Leviste.
Kritikal pa rin aniya ang kondisyon ni Kris.
“Pero sa awa ng Diyos, nairaraos. Malaking bagay ‘yung mga panalangin na ipinapaabot natin sa kanya. Your prayers go a very very long way,” sambit ng politiko.
Mensahe niya kay Kris:“I miss you and I always pray for you, and I love you. Alam mo ‘yan.”
Matatandaan na ibinunyag ni Kris nitong Pebrero na magiging “crucial” ang susunod na anim na buwan dahil maaapektuhan ang kanyang immune system ng bago niyang gamot.