Kris Aquino stop muna sa social media sa Holy Week

DAHIL Holy Week, titigil muna sa social media si Kris Aquno para magpokus sa mga turo ng Diyos at pagyamanin ang kanyang kaluluwa.


Sa Instagram post, inirekomenda rin niya sa kanyang followers na basahin ang Psalm 30 at Proverbs 3.
Sabi ni Queen of All Media, paulit-ulit niyang binabasa ang dalawang verses kaya nagkaroon siya ng kinakailangan niyang “spiritual insights”.


Nagpapasalamat din si Kris sa Diyos dahil sa mga pinadadala nitong “angels” sa kanyang buhay.