INAMIN ng tinaguiriang Queen of All Media na si Kris Aquino na “life threatening” ang kanyang sakit pero hindi pa siya naghihingalo.
Sa Instagram post, sinabi ni Kris na kailangan niyang isiwalat ang totoong nangyayari sa kanyang buhay.
“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko,” aniya
“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH,” dagdag niya.
Pinayuhan naman niya ang mga fans na i-research ang kanyang sakit.
“3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the 🇺🇸- meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA,” pahayag niya.
“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids,” paliwanag pa ng TV host-actress.
Nakiusap naman siya na sa netizens na huwag gumawa ng kuwento ukol sa kanya.
“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak n’yo pong mambastos or mag-comment ng masakit o masama, sa mga sarili n’yo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin,” sabi ni Kris.
“Hindi n’yo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish Kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan,” aniy pa.
Sa kalakip na video, muling nakiusap si Kris na tigilan na ang katsitsismis sa kanya.
“Hello everyone… yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw-buhay… masyado kayong advanced,” mensahe niya.
“Para klaro ang lahat…. dahil gusto n’yong patayin na ‘ko… well.. I’m not yet dead.. okay… so… I’m going to fight.”