Night shift differential sa gov’t workers pirmado na

PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11701 na nagbibigay ng karagdagang benepisyo para sa mga manggagawa ng gobyerno kung saan tatanggap na sila ng night differential pay.

Sa ilalim ng RA 11701, pasok din ang mga manggagawa sa mga government-owned or -controlled corporations.

Sakop ng batas ang mga empleyado mula sa division chief pababa, kahit pa sila ay permanente, kontraktwal o kaswal.

Tatanggap sila ng night shift differential na hindi lalagpas sa 20 porsiyento ng kada oras na basic pay ng mga manggagawa sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.