Kim hindi aware sa bagong GF ni Xian

HINDI updated ang TV host-actress na si Kim Chiu kung mayroon nang ipinalit sa kanya ang ex-boyfriend na si Xian Lim.

Sa vlog ni Vicki Belo, inamin ni Kim na hindi siya aware kung may bago ng girlfriend si Xian.

“Hala, hindi ko alam, dok. Wala akong idea,” aniya sa tanong ni Vicki kung totoo ang mga nababalitaan nito na nakamove-on na nang bongga-bongga si Xian.

Hindi naman idinetalye ng “It’s Showtime” host ang dahilan ng hiwalayan nila ng aktor, na naging kasintahan niya ng 11 taon.

“Wala naman, baka magalit siya e. Mutual decision ‘yan to end things and to move on with our lives,” wika ni Kim.

“Medyo mahirap siya and you have just to accept siguro ‘yung mga bagay na wala ka nang control and you cannot push yourself sa mga bagay na not naman in the same wavelength,” dagdag niya ukol sa hiwalayan nila ni Xian.

Kumusta ang kasalukuyang estado ng kanyang puso?

“It’s a little empty pero okay naman. It’s part of life and part of growing up…I give my 100 percent para at the end, wala akong pagsisihan, wala akong regrets. Just lesson learned,” sambit niya.

Gaano katagal siya magiging single, tanong ni Vicki.

“Ako, parang ayoko na ng too much expectations on what will happen sa buhay ko in the next six months or in the next years to come,” sambit ng aktres.

“Parang gusto ko nalang mag-enjoy kasi sa buhay natin parang na-plano na ito ni God lahat e, parang everything doesn’t happen by chance, it was written already before you were born. Parang paniniwala ko na baka hindi pa siguro siya time for me, hindi siguro siya para sakin,” dagdag ni Kim.