INANUNSYO ni Kean Cipriano na matapos ang 17 taon na pagiging frontman ng bandang Callalily, hindi na siya bahagi ng grupo.
“Callalilly is done. I’m moving on, I’ve moved on, moving forward and I wish them all the best,” sagot ni Kean nang tanungin kung bahagi ng OC Records ang kanyang bandmates.
“I think in a group na magkakasama for 17 years, marami na rin nangyari and… medyo matagal na rin kaming hindi okay, so alam mo ‘yun parang ibang chapter for us,” dagdag niya.
Naghahanap umano ang Callalily ng bagong bokalista.
“I hope they find it, kung sino man. I mean, you know, I wish them really all the best ‘di ba? Like I said, Callalilly is done and kung ano man ‘yung gusto nilang gawin… I mean, ’yun naman talaga ang point nito ‘di ba na in 10 years babalikan naming lahat at magpapasalamat kami sa isa’t isa and that was a good call, di ba? ‘Yung growth natin, iba na siya ngayon, I really wish them well,” sinabi pa niya.
Hindi na rin umano posibleng magkaroon ng reunion gigs ang banda, ayon kay Kean.
“Hindi na magbabalik ‘yung dating Callalily,” pagdidiin niya.