Kathryn cover ng magazine; publiko napanganga

AGAD nag-trending ang aktres na si Kathryn Bernardo nang ilabas ng isang fashion magazine ang pasilip para sa April issue nito na siya ang cover star.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 1.5 million views at mahigit 55,000 likes ang teaser video sa Instagram kung saan bida si Kath.

Sa video, makikita ang aktres na suot ang isang white bra top at tight-fitting sequined skirt habang nag-eemote sa beach.

Sa photo naman ay nakaupo si Kath sa bato na suot ang white mini dress na may seashell motif.

Komento ng fans:  “Tabi, dadaan ang reyna.”

“Our most beautiful sirena.”

“This must be her best-est cover to date.”

“Hail to the queen.”

“Another pasabog. Love you Queen.”