MAGBABALIK-tambalan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa planong sequel sa blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye,” ayon sa ulat.
Isiniwalat ng Bandera columnist na si Reggee Bonoan na isasabak ng Star Cinema ang sequel ng “Hello, Love, Goodbye” sa Metro Manila Film Festival sa December.
Ang nasabing pelikula ang ikalawa sa highest grossing Pinoy movie of all time.
Kumita ito ng P880 milyon sa takilya.
Ang sequel, na isu-shoot sa Canada, ay ididirek ni Cathy Garcia-Sampana ang direktor ng “HLG.”