Kelot grinipuhan sa prusisyon, dedbol

SINAKSAK at napatay ang isang lalaki habang sugatan ang tatlong iba sa rambol sa Talisay, Camarines Norte kamakailan.

Hindi kinilala ang biktima na nasawi habang ginagamot sa ospital.

Nagtamo siya ng saksak sa katawan. Sugatan naman ang kanyang mga pinsan.

Sumuko sa pulisya ang isa sa tatlong salarin.

Tinutugis na ang iba pa. Ayon sa ulat, naganap ang labo-labo sa gitna ng prusisyon sa Brgy. Poblacion noong Biyernes Santo.

Sinabi ng pulisya na pinagtripan ng mga suspek ang magpipinsan na nauwi sa away.

Sa gitna ng gulo, naglabas ng patalim ang isa sa mga suspek at sinaksak ang isa sa magpipinsan. Desidido naman ang ama ng biktima na asuntuhin ang mga suspek.