INAMIN ni actress/comedienne Kakai Bautista na naapektuhan siya ng issue tungkol sa kanila ng Thai actor na si Mario Maurer kaya pass muna siya sa Twitter.
“I don’t have Twitter I deleted it. It’s my right to delete my Twitter if I want to,” chika ni Kakai.
Aniya, “nababaliw” siya kapag naiisip ang mga personal issues niya at mga kaganapan sa social media.
“‘Pag iniisip mo lalo ‘yung mga nangyayari sa ‘tin, ‘yung mga personal issues mo, ‘yung mga issues sa labas, ‘yung issues sa social media, ‘yung issue ng ibang tao sa ‘yo, kung magwa-wallow ka sa lahat ng mga nagaganap sa paligid mo at nagaganap sa buhay mo, wala na mababaliw ka na talaga,” pahayag niya.
Dagdag niya, hindi lang ang personal issues ang nakaapekto sa kanya kundi pati ang mga nangyayari sa bansa dahil sa pandemya.
“Ang lakas talaga ng impact sa ating lahat. Kahit gaano ka-strong ng personality mo, ka-tight ng family mo, ka-tight ng friendship mo with other people, wala, e, as in lahat ‘yon na-comprise nung nangyari ‘tong pandemic. Sinasabi ko nga, sine-set ko lang lagi ‘yung utak ko na I see things in a brighter perspective na kahit ganito ‘yung nangyayari sa ‘tin,” paliwanag niya.
Kamakailan ay pinadalhan siya ng demand letter ng abogado ni Maurer para tigilan na niya ang umano’y panggagamit sa Thai actor.