Kahit hindi siya binoto, Robin boto kay Kathryn

INULAN ng laughing emoji ang TikTok video kung saan tinanong si Sen. Robin Padilla kung boto siya kay Kathryn bilang girlfriend ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla.

Ani Robin: “Oo naman. Siyempre. Mabait na bata ‘yon! Kahit hindi niya ako binoto, boto ako sa kanya.”

“Sa kabila siya, pero ako boto sa kanta,” dagdag ng senador.

Samantala, sinabi ni Robin na nanghinayang siya sa paghihiwalay nina Kath at DJ na naging magkarelasyon nang 11 taon.

“Oo naman. Alam naman nating lahat na, alam lahat ng Padilla na malaki ang aming pagbigay-pugay kay Kathryn,” aniya.

“Kasi siya ang nagbigay ng break kay Daniel. Alam naman naming lahat ‘yon. Kaya ang paggalang namin kay Kathryn, sobra-sobra,” dugtong ng mambabatas.

Matatandaang opisyal na inihayag nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup noong Nobyembre 30.