PINARANGALAN ng General Santos City ang aktor na si Gerald Anderson dahil sa pagsagip nito sa mga residente ng Quezon City na nasalanta ng bagyong Carina noong Hulyo. Si Gerald ay tubong-General Santos City.
Tinanggap ng aktor, isang reservist ng Philippine Coast Guard na may ranggong auxiliary lieutenant commander, ang plaque of appreciation mula kay Mayor Lorelie Pacquiao.
Ani Pacquiao, kapuri-puri si Gerald dahil sa malasakit nito sa kapwa. Matatandaan na sinaluduhan din ng PCG ang ginawang paglusong sa baha at pag-rescue ni Gerald sa ilang mga na-trap na residente ng Brgy. Sto. Domingo sa QC.
Bilang pagkilala, ginawaran si Gerald ng Search and Rescue medal ni PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.