KINAMPIHAN ng jury si Johnny Depp sa inihain niyang defamation case laban sa dating misis na si Amber Heard kung saan inatasan ang huli na magbayad ng $15 milyon na damages sa aktor.
Samantala, may panalo rin si Heard sa ibang aspeto, ayon sa jury, dahilan para atasan si Depp na magbayad ng $2 milyon halaga ng damages.
Ikinatuwa ng “PIrates of the Carribean” lead actor ang naging desisyon ng jury.
“Jury gave me my life back,” sabi ni Depp.
Dismayado naman si Heard sa pagsasabing walang salita ang makakapagbigay ng deskripyom sa naging kautusan ng jury.
Nag-ugat ang kaso ng magsampa ang 58-anyos na aktor laban kay Heard ng $50 milyon dahil sa defamation matapos sabihin ng aktres na siya ay “a public figure representing domestic abuse” sa isang op-ed ng pahayagang Washington Post.
Nagsampa naman si Heard, 36, ng counter suit na $100 milyon nang sabihin ng kampo ni Depp na ang ang akusasyon niya ay “hoax.”
Mariing itinanggi ni Depp na inabuso niya si Heard o sinumang babae, at sinabi na si Heard ang naging bayolente sa kanilang relasyon.