John naispatang puma-party sa Boracay; kinastigo ng netizens

VIRAL ang mga video ng aktor na si John Estrada na nakikipagsayaw sa ilang babae sa bar sa Boracay.

Sa Tiktok video ng kuwentongpinoyph, makikita si John na nakikipagsayaw sa tatlong babae sa OM Bar sa Station 2. 

“Ooops sino kaya kasama ni Righooouuur este John Estrada,” caption sa post.

Bago ito, isiniwalat ng asawa ni John na si Priscilla Mireilles na may ibang babaeng kasama ang aktor sa Boracay. 

Nagbabakasyon ang dating beauty queen sa kanyang hometown sa Brazil kasama ang anak nila ni John.

Hindi naman nagustuhan ng netizens ang pag-aastang binata ng “FPJ’s Batang Quiapo” actor.

“Seriously? Feeling single pa rin?”

“Jusko tanda pumaparty pa na parang hindi pamilyado.”

“Kaya pala sabi ni P, respect daw. Grabe naman pala kasing pambabalahura yang ginagawa ni J.”

‘Tanda na paparty party pa rin, feeling teenager, may mga apo na kay Janice.”

“John, you’ve had enough! Act your age!’