NAGHIHINANAKIT ang aktor na si Janus del Prado sa kanyang ina at kapatid na malamig ang pakikitungo sa kanya nang makitira siya sa bahay ng mga ito.
Kwento ni Janus, nahirapan siya financially nang magkaroon ng second lockdown kaya naisipan niyang humingi ng tulong sa kanyang pamilya.
Tinanong niya ang ina at kuya niya kung pwede siyang makitira sa kanila. Noong una ay tumanggi raw ang mga ito.
“Nung nadinig nila na may magpapatira sa akin parang ang dating sa kanila ay ‘Baka kung anong sabihin sa amin na kami ‘yung pamilya mo hindi ka namin tinutulungan,’ so pumayag pero alam kong ayaw nila,” ani Janus.
“Ramdam ko namang ayaw nilang mag move-in ako dun sa kanila,” dagdag niya.
“Pinaramdam talaga ng kapatid ko, siya ‘yung parang breadwinner ng bahay, pinaramdam niya talaga na ayaw niya ko dun,” pagpapatuloy niya.
Kwento pa ni Janus, hindi siya isinasabay tuwing kakain ang kapatid at ina.
Nang magkaroon siya ng Covid-19 ay sinisi rin siya ng mga ito nang mahawa sila. Ilang araw umano siyang nagkulong sa kuwarto pero walang nagdadala sa kanya ng gamot.
Ayaw mang manumbat, sinabi ni Janus na marami siyang naisakripisyo sa kanyang pamilya noong bata pa siya.
Aniya, nakatulong siya para mapagtapos sa pag-aaral ang kapatid.
“Andami kong na-sacrifice sa family tapos ngayon lang sila kinailangan,” chika pa ni Janus.
“Nung ako naman ang breadwinner, wala naman silang nadidinig sa akin,” dagdag ng dating child star.
Ikinuwento rin niya ang mga pananakit na naranasan niya sa pamilya noong bata pa siya.
Pinayuhan naman niya ang mga magulang ng mga batang artista.
“Sa mga magulang, hindi rason ang pag-aanak para maiahon kayo sa kahirapan. Responsibilidad n’yo ‘yan bilang magulang na sustentuhan niyo ang mga anak n’yo.
“Kung gustong magtrabaho ng anak niyo bilang artista o ano, dapat extra-curricular activity lang nila ‘yun.
“Huwag n’yong itutulad ‘yung anak n’yo sa’kin na by the time mahawakan ko ‘yung pera ko, nung 21 na ako, e wala na akong perang hahawakan kasi wala namang naipon dun sa mga kinita ko.”