Janine Gutierrez di gagaya kina Pia, Catriona

HINDI pinangarap ni actress Janine Gutierrez na maging beauty queen tulad nina Miss Universe queens Pia Wurtzbach at Catriona Gray.


Chika niya, mahilig siyang manood ng mga pageants pero hindi niya naisip na sumali sa mga ito.


“Never ko kasi pinangarap maging beauty queen eh. I love watching pageants and watching Miss Universe, Binibining Pilipinas, lahat. Pero for me to join hindi ko kasi siya naging pangarap eh,” sabi niya.


“It’s not something that I ever thought of pursuing talaga. Pero sobrang flattered ako na you think that I could be so salamat,” dagdag niya.


Nakakuha naman ng magagandang reviews ang pelikula nila ni JC Santos na “Dito at Doon.”


“Ang daming magagandang review and each review talagang sobrang pinag-uusapan namin sa Viber group namin. Pino-post namin lahat,” sey ng dalaga.


Samantala, bibida rin siya teleseryeng “Marry Me, Marry You.”