TULOY na tuloy na ang pagsasampa ng kaso laban sa netizen na ipinanalangin na mahawahan sanq ng Covid-19 ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson.
Ayon kay Janella, kailangang bigyan ng leksyon ang mga bashers at bullies na kahit mga sanggol ay hindi pinapatawad.
“We are gonna push through with the complaint. Well, I’m still planning to. But, I’m just praying about it for now because we have so many things to make asikaso. We’ll see,” aniya.
Nag-ugat ang isyu, kwento ni Janella, nang i-post niya sa social media ang picture ng anak na si Jude.
Isang netizen umano ang nagkomento na sana ay mahawa ng Covid-19 ang baby.
“I didn’t know how to feel when I first saw the comments about Jude. I was trying to think ‘Are they just joking or what?’ Kasi like who would pick on a baby? What kind of humor is that?” aniya.
Dagdag niya: “I realized it’s not okay because it’s a form of bullying. So, I’m gonna stand up for Jude. I’m gonna do anything for my son. So, I stood up for him. I’m used to bashing directed towards me, (but) when it’s towards Jude, it’s not okay.” –A. Mae Rodriguez