MAY pa-blind item ang Bureau of Internal Revenue matapos tukuyin nito na isang couple ang kamakailan lang ay nag-delete ng kanilang YouTube account para makaiwas sa pagbabayad ng tax.
Ang mag-partner na tinutukoy ng BIR ay kumikita umano ng milyones mula sa kanilang vlogging. May 11 milyon followers umano ang mag-partner.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BIR, kumita umano ng P50 milyon hanggang P100 milyon ang mag-partner sa nakalipas na dalawang taon dahilan para makabili ang mga ito ng luxury vehicles at makapagpatayo ng mansion sa labas ng Metro Manila.
Dali-daling nag-delete ng kanilang account ang mag-partner matapos ianunsyo ni BIR Commissioner Caesar Dulay na hahabulin nito ang mga social media influencer na hindi nagbabayad ng buwis.
Kamakailan ay nag-delete ng account ang mag-partner na si Jamill sa katwiran na nais nilang proteksyunan ang kanilang relasyon.