James ‘di pa ready na magka-BF si Nadine




GUSTO ni James Reid ang ‘best” para sa ex-girlfriend na si Nadine Lustre pero hindi pa siya handang makitang may kasama itong ibang lalaki.


“I don’t think anyone in that situation is really excited to see the ex with someone else,” ani James sa show ni King of Talk Boy Abunda.


Gusto lang aniya ni James na maging masaya si Nadine sa lahat ng gagawin nito.


“I wish her the best. I want her to be happy… I’m not her husband neither her father so she can do whatever makes her the happiest,” dagdag niya.


Reaksyon niya sa sinabi ni Nadine na naging malaki ang kontribusyon niya sa buhay ng aktres: “It is what it is.” –A. Mae Rodriguez