MASAYANG ibinalita ng aktres at social media personality na si Ivana Alawi na nakalabas na siya ng ospital makaraan ang isang linggong confinement.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Ivana ang ilang larawan ng ginawang pagsalubong ng mga kapamilya sa kanyang pag-uwi ng bahay.
“After 7 days sa hospital finally home,” aniya sa caption.
Matatandaan na dalawang araw mula nang unang makalabas ng ospital ay isinugod uli sa pagamutan si Ivana.
Aniya, hindi pa nakare-recover nang husto ang kanyang katawan kaya balik-confinement siya.
“Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well,” sabi niya.
Hindi naman idinetalye ng aktres ang dahilan ng kanyang pagkakaospital.