Ion Perez nag-birthday, ipinagsigawan pagmamahal kay Vice Ganda

MULING ibinandera ni Ion Perez ang pagmamahal niya sa misis na si Vice Ganda sa kanyang ika-34 kaarawan ngayong araw, November 27.

Shinare ni Ion sa Instagram ang isang appreciation post para sa mga kasamahan sa noontime show na “It’s Showtime”.

“Salamat Ama naging parti ako ng buhay nila!” caption ni Ion sa mga larawan na kasama si Vice at iba pang host ng programa.

Special mention niya ang asawang si Vice Ganda.

“Mahal na mahal kita @privatebenjamin,” sey ng TV host.

“Pero pinakamahal kita,” sagot ni Vice sa comment section. “Mahal na mahal ka naming lahat.

Sinegundahan naman si Vice ng mga katrabaho nila na sina Amy Perez, Ryan Bang at Darren Espanto na may kanya-kanya rin na pagbati kay Ion.