Ina ni Christine Dacera nakikiramay sa pamilya ni Claire dela Fuente

NAKIDALAMHATI si Sharon Dacera, ina ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera, sa pamilya ng singer na si Claire dela Fuente na sumakabilang-buhay buhay dahil sa atake sa puso.


“The Lord God is the Most High. He is our Creator and Savior. God is always in control brother. It’s so hard to lose a loved one. I feel what they feel po. My condolences to their family,” ani Sharon sa kanyang mensahe sa pamilya ni Claire.


Isa ang anak ni Claire na si Gigo de Guzman sa mga inaasukasahan sa pagkamatay ni Christine noong Bagong Taon.


Ayon kay Gigo, namatay ang kanyang mommy dahil umano sa sobrang stress at anxiety dulot ng nasabing kaso.


Si Claire ang nagpasikat sa mga OPM classics na “Sayang” at “Nakaw na Pag-ibig”.