MULING nakiusap ng dasal sa publiko ang aktres na si Ruffa Gutierrez para sa kanyang sister-in-law na si Alexa Uichico na mayroong leukemia.
Si Alexa, na asawa ng kapatid ni Ruffa na si Elvis Gutierrez, ay limang buwan nang sumasailalim sa medical treatment.
“She’s battling leukemia, just continue to pray for her. She’s actually struggling right now, I don’t want to talk about it because I might cry,” ani Ruffa sa isang panayam.
Dagdag niya, hindi rin madali para kay Elvis ang pinagdadaanan ng asawa nito.
“Elvis is also having a hard time because they’ve been in and out of the hospital since January so pagdasal po natin sila,” sabi niya.
“We really need your prayers kasi the treatment that she needs, wala dito sa Pilipinas, so I don’t know if she’s able to fly out or not so yun ang tinitingnan namin,” dagdag ni Ruffa.