PURING-puri ng publiko ang aktres na si Marian Rivera sa kanyang pagsasalita ng English sa isang fitness competition nitong Martes ng gabi.
Sa question-and-answer segment ng Century Tuna Superbods 2024 ay ipina-translate sa English mula sa Tagalog ng male contestant ang tanong ni Marian, na isa sa mga judges.
“Dumami ang followers mo sa social media noong naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang kompetisyon na ito?” tanong ni Marian.
Hindi naman agad nakasagot ang contestant na si Jether Paloomo kaya humirit nito ng “I’m sorry, could I get an English please?”
“I will try my best,” sey ni Marian. “Are you ready for this? Listen very carefully. Here’s my question.” “Your social media following grew when you become a finalist, how would you use this opportunity even after your Superbods journey? I think you understand that,” pag-translate ng aktres.
Nagpalakpakan naman ang audience dahil nagawa ni Marian na maisalin sa English ang tanong. Bumenta rin sa netizens ang paandar ng misis ni Dingdong Dantes.
“Wow, on the spot translation yun ah tapos tama ang grammar, ang cute ng accent and pronunciation.”
“Marian Rivera ate this and won the audience. Too authentic not to appreciate!”
“Omg! The Marian Rivera continues to slayyy. I lovettte.”
“I love you #MarianRivera. Ikaw lang talaga makakapagtawid nyan ng mahusay at di nakakahiya.”
“And we’re not ready for it mother Marian! Ahahaha.”
“Grammarian Rivera.”