Fur baby ni Rico Blanco pumanaw

NAGHIHINAGPIS ang OPM icon na si Rico Blanco sa pagyao ng alaga niyang aso na si Sylvian.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rico ang larawan ni Sylvian kalakip ang mensahe niya rito.

“Run free now, dearest Sylvian,” ayon sa singer-songwriter.

“My baby, my buddy, my joy. Thank you. I love you so much sylvie boy,” dugtong niya.

Nakiramay kay Rico ang mga netizens at ilang mga kaibigan sa industriya gaya nina Arci Muñoz, Sam YG, Zild Benitez at Jugs Jugueta.