Farm ni Angelica Panganiban ipinangalan sa yumaong ina

IPINANGALAN ng aktres ni Angelica Panganiban sa namayapang ina ang farm nila ng mister na si Gregg Homan sa Tanauan, Batangas.

Ayon kay Angelica, hango ang pangalan ng Ebela’s Farm sa pangalan ng ina niya si Annabelle “Ebela” Pangilinan.

Pumanaw si Mommy Ebela nitong August 20, 2024.

“We’re here at Ebela’s Farm. Ipinangalan namin kay mama ang farm, para bang kasama pa rin namin siya. Since hindi pa namin mapatayuan ng building si Ebela (na) Ebela’s Building, Ebela’s Farm muna,” ni Angelica sa vlog.

“Sa mga hindi nakakaalam, si Ebela is my mom who passed away (on) August 20th. So medyo sudden ang kanyang pang-iiwan sa atin, pero ganoon talaga,” dagdag niya.

Inihayag ng aktres na ang nasabing vlog ang hudyat ng muling pagiging aktibo ng pamilya sa social media.

“Nagpahinga kami dahil sa mga kaganapan recently. But life goes on. Kailangan namin i-celebrate ang life. Birthday na ni Amila. Birthday na rin ni Greg. So, both September celebrants sila kaya nag-decide kaming mag-celebrate dito sa farm. Maliit na celebration lang with family and mga kaibigan lang ni Gregg,” chika niya.